Wednesday, 31 October 2018

Fat Burning Food

Drink Healthy Juice like this Mixed Berries

Eat to lose weight? Sounds too good to be true. However, some research shows that certain foods may have a fat-burning effect in the body. "Some [foods] have a thermogenic effect, heating up the body (and thus metabolism), where others increase metabolism by using calories to break them down, and some help with metabolizing fats," says Joy McCarthy, a Toronto nutritionist and the author of Joyous Health: Eat and Live Well Without Dieting. But while some foods may help you burn fat more efficiently than others, McCarthy says there's no "magic solutions" to weight loss, unless of course you consider a lifestyle change to be magic. Depriving yourself of enough food for your bodily functions is not a healthy solution either. "Metabolism slows when nutrients are lacking because the body isn’t getting what it needs to work efficiently," she says. "If someone follows a clean, whole foods diet that includes the foods outlined before, and includes physical activity, enough sleep, water intake, stress reduction and portion control weight loss could definitely happen," McCarthy says. Green Tea "American Journal of Clinical Nutrition reports that drinking several cups of green tea a day, which has catechins, a type of phytochemical that affects the metabolism, can help to promote fat oxidation and thermogenesis," McCarthy says. She notes that this option isn't ideal for people who are particularly sensitive to caffeine. If that describes you, try taking a supplement with a concentrated dose of EGCG, the type of catechin found in green tea. Whole Grain "It 'costs' twice as many calories to break down whole foods vs. processed foods where the breaking down was already done in a laboratory for you," McCarthy says. That makes whole grains like brown rice a smarter choice. Coconut Oil Coconut oil has a bad reputation but it can actually have a fat-burning effect, McCarthy says. It contains medium-chain triglycerides, which the body uses for energy instead of storing as fat. Lean Meats Protein has a thermogenic effect, meaning that you burn more of the calories you eat compared to other foods. Go with lean choices like white chicken breast, however, if you are watching fat intake. Hot Peppers Hot peppers like jalapenos and chilis contain capsaicin, which may give them a fat-burning effect. "Studies show that capsaicin reduced belly fat in men and women by oxidizing fat," McCarthy said. "Capsaicins have also been found to increase resting metabolic rate, thus increasing the rate in which your body burns fat and or calories at rest." Lentils Aside from being a whole food, lentils are a good source of iron — and many of us are short on that nutrient. If your body lacks an essential nutrient like iron, it's not going to be working as efficiently as it should, slowing your metabolism. Bananas Fruit often gets a bad rap on some diets, but it's got a lot to offer —specifically for bananas, McCarthy says. "Resistant starch found in foods like bananas and beans/legumes has been found to have a positive affect on fat levels," she says. "The starch turns into a fatty acid in the gut by the good bacteria and helps to decrease obesity by metabolizing fats after eating, thus decreasing accumulation in the long term." Almonds These and other nuts contain protein that helps you build muscle, which helps to keep your metabolism speedy. Broccoli Sure, we know broccoli is healhty, but this green vegetable (and other cruciferous vegetables) contain sulforaphane, a phytonutrient that stimulates an enzyme to get your fat cells burning. Avocados Avocados are high in fat, but their fats are monounsaturated, which is good news. New research showed that people who eat unsaturated fats (like monounsaturated and polyunsaturated) are more likely to have excess fat stored in their liver and abdomen

You can also try to buy juices or create your own from this natural fruits that have a high fiber content or tried to find organic juices online or store near your house like this Mixed Berries Juice.

Thursday, 25 October 2018

Pagkaing Pampapayat: Anong Pagkain Ang Mabilis Magpapayat?

Tumataba ka ba at nangangamba na baka lumubo ka ng husto? Hindi mo alam kung anong dapat gawin? Ang artikulong ito ang kasagutan saiyong problema!. Tatalakayin natin dito ang iba’t ibang pagkaing pampapayat na makakatulong saiyo para mapigilan ang patuloy na pagdagdag ng iyong timbang.

Anu-Ano ang mga pagkaing pampapayat?

Mga pagkaing pampapayat ba ang iyong hinahanap? Bago natin talakayin ang mga kasagutan sa tanong na ito, Dapat malaman mo muna kung bakit maraming mga Pilipino ang humahantong sa ganitong klaseng problema.
Alam nating lahat na ang mga Pilipino ay mahilig kumain. Dahil na rin siguro sa mga masasarap na lutuin at putahe dito sa Pilipinas kaya nangyayari ito. Ang pagkain rin ang pangunahing tukso sa mga taong nagpapayat. “Naku, masisira na naman nito ang diet ko”! narinig mo na ba ang katagang iyan? Marahil ay oo. Ito ang karaniwang sinasabi ng mga taong nagpapayat sa tuwing kaharap nila ang masasarap na pagkain, natutukso sila. At kasunod nga nito ang walang habas na pagkain na parang hindi na sisikatan ng araw. Pero dapat mo bang sisihin ang pagkain sa iyong pagtaba? Alam mo bang ang pagkain rin ang isa sa mga kasagutan sa iyong problema? Magpatuloy lamang sa pagbabasa at malalaman mo kung ano ang tinutukoy ko.

Pagkaing pampapayat: Mga uri ng pagkaing nakakapayat

Totoo na ang pagkain ng marami ay nakakataba. Lalo na kapag hindi wasto at masustansyang pagkain ang iyong pipiliin. Nabanggit ko kanina ang tungkol sa mga pagkaing pampapayat, gusto mo bang malaman kung ano-ano ang mga ito? Ang mga sumusunod na ito ay ang mga pampapayat na pagkain:
  • Ang pagkain ng high-fiber cereals ay nakakatulong sa pagpalusog ng iyong katawan at nakakabawas rin ng taba.
  • Dalasan rin ang pagkain ng mga isdang dagat katulad ng tuna, mackerel, at salom.
  • Ang pagkain ng oatmeal ay nakakababa ng cholesterol sa katawan na nakakatulong sa pagpapayat.
  • Kung mahilig ka sa gatas, Ang yogurt at low-fat milk ang inumin mo sapagkat mas mababa ang fats nito kumpara sa regular na gatas.
  • Maaari mo namang ipampalit sa kanin o regular rice ang white bread at brown rice.
  • Alam mo bang ang paginom ng tubig na may isang kutsarita ng suka bago kumain ay nakakapayat? Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Harvard School of Public Health.
  • Ang itlog ay mayaman sa protina. Ugaliin ang pagkain nito tuwing agahan. Linalabanan ng protein ang pagdami ng fats sa iyong katawan.
  • Kung mahilig ka naman sa karne. Ang manok at pabo (turkey) na walang balat ay mas mababa ang bilang ng fats kumpara sa ibang karne.
  • Kumain ng maraming gulay. Ang mga gulay ay mayaman sa fiber na tumutulong sa pagpapanatili ng malusog na katawan ng isang tao.

Pagkaing pampapayat: Mga prutas na nakakapayat!

Good news ito para sa mahihilig sa prutas! Dahil mayroong mga prutas na makakatulong sa iyong layunin na magpapayat. Tandaan lamang na hindi lahat ng prutas ay nakakapayat, katulad ng mangga (hinog na mangga) na mayaman sa calories. Ano-ano ba ang mga prutas na dapat mong kainin? Narito ang ilan sa mga sumusunod:
  • Suha at grapefruit – Mayroon itong taglay na acid na nakakabagal ng digestion.
  • Mansanas o apple – Taglay ng mansanas ang pectin na nakakababa ng kolesterol sa katawan na tumutulong sa pagpapayat.
  • Peras – Ang peras, katulad ng ibang mga gulay ay mayaman sa fiber na maganda sa digestion ng iyong katawan.
  • Saging – Ang pagkain ng saging ay nakakabusog ngunit hindi nakakataba. Maganda itong kainin pantanggal gutom. Mayaman rin ito sa potassium na pampalakas ng muscles.
  • Pakwan o watermelon – Ang pakwan ay nakakabusog dahil sa marami ang tubig nito. Hindi rin ito nakakataba dahil mababa ang bilang ng calories ng pakwan.
  • Pinya – Bukod sa mayaman ang pinya sa enzymes, minerals, at vitamins, anti-oxidants rin ito. Dagdag pa, mababa ang kolesterol at taba ng pinya kung kaya mabisa itong pampapayat.
  • Bayabas – Kung mahilig ka sa bayabas ay good news ito para saiyo! Dahil ang prutas na ito ay mayaman sa fiber at mababa sa fats at cholesterol. Saktong kainin ng mga nagpapayat kagaya mo!.
  • Avocado – Ang avocado ay masasabing best fruit for weight loss dahil sa katangian nitong mataas sa fiber at mababa sa carbohydrates. Bukod sa masarap ay maganda rin ang naidudulot ng avocado sa kalusugan ng puso. Tumutulong din ito sa magandang metabolismo at nagbibigay ng sapat na enerhiya sa katawan. Ang regular na pagkain ng avocado ay makatutulong para manatiling fit at healthy ang isang nagpapapayat.
  • Oranges – Kung natutukso kang kumain ng matamis, ang prutas na ito ang dapat mong kainin. Ang isang 100 grams na orange ay nagtataglay ng 47 calories, may tamang tamis para sa mga dieter na nagnanais kumain ng matamis.
  • Kamatis – Ang kamatis ay isang uri ng prutas na importanteng nasa listahan ng mga dapat kainin ng mga nagpapapayat. Bukod sa ang kamatis ay anti-oxidants, Mababa lamang ang calories nito at maraming water content. Perfect match para sa mga nais pumayat ng mabilis.
  • Lemon – Ang kombinasyon ng lemon at honey na iinumin sa umaga ay isang natural detoxifier na makatutulong sa pagpapapayat. Mainam inumin ng mga nagpapapayat, isang alkaline food na magpapanatili ng energy bukod sa iba pang bitamina at mineral na kayang ibigay ng lemon.

Healthy lifestyle: Mabilis na pampapayat

Ang mga nabanggit sa itaas ay ang mga pagkaing makakatulong saiyo para magpapayat. Sabayan ito ng proper exercise at disiplina sa sarili at makakamit mo ang body figure na iyong inaasam. Talikuran mo na ang mga nakaugalian mong masasamang bisyo katulad ng pagiinom at pagsisigarilyo. Magkaroon ka ng sapat na tulog para makaiwas sa stress. Kung hirap kang gawin ang mga nabanggit sa itaas ay huwag mo munang biglain ang iyong sarili. Idaan mo sa mabagal ngunit siguradong proseso at huwag mo itong gawin bilang isang obligasyon dahil mahihirapan ka talaga!. Sundin mo ito dahil ito ang tama at gawin mo ito ng may kasiyahan. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ang pinaka mahalaga sa lahat. Lalong lalo na sa mga kagaya mong gustong makatakas sa bangungot ng pagiging mataba.

Thursday, 14 June 2018

Mga Epektibong Mga Paraan Kung Paano Magpapayat

Sa totoo lang, mas maraming tao ngayon ang namomroblema sa kanilang timbang. Maging sa mga klinika, karamihan sa mga pasyente ay may sakit na may kinalaman sa pagtaba, sobrang kain o pagkain ng bawal. Sadya nga bang madaling tumaba at mahirap magpapayat? Sa dami ng masasarap na pagkain totoo ngang mabilis na tataaba ang isang tao kung hindi siya magko-kontrol.
Ngunit puwede rin namang pumayat sa madaling panahon lang. Hindi man ito mangyayari sa magdamag lang, pero kung disiplinado at determinado, mararamdaman at makikita ang epekto sa isang linggo lang. Oo, tama ang nabasa mo. Kung pursigido sa pagpapapayat, aaksiyon kaagad at itutuloy-tuloy ito, siguradong in just one week, mababawasan ang timbang, liliit ang sukat at talagang papayat ka. Dapat na handa ang katawan mo sa pagpapapayat lalo na kung binibigyan mo lang ang iyong sarili ng isang linggo.
Change of lifestyle. Ito ang unang-unang dapat gawin para malaman kung paano magpapayat. Magbago ng pamamaraan ng pamumuhay para makapag-umpisa nang magpapayat. Isiping mabuti kung ano talaga ang goal na gusto mong ma-achieve. Mag-set ng schedule para ma-balanse mo ang mga gawain sa araw-araw. Magkaroon ng displina sa sarili at maging istrikto dito. Iplano ang pagkain, inumin at pag-e-ehersisyo sa tamang paraan at oras.
Huwag manood ng TV habang kumakain. Pinatatagal lang ng gawing ito ang iyong pagkain. Ang ibig sabihin, mas mapaparami ang kain kung nanonood ng TV habang kumakain. Mawawala ang focus sa pagkain kapag nanonood ng TV. Dahil dito, hindi mapapansing mas mapaparami ng kuha sa plato.
Matulog ng sapat at tama sa oras. Nakapagbabalanse ng metabolism ang pagtulog ng sapat at tama sa oras. Ito ay isa sa mga epetkibong paraan kung paano magpapayat. Pinaka-‘da best’ ang pagtulog ng 8 oras araw araw. Kapag kulang sa tulog ang isang tao, babagal ang kaniyang metabolism. Ang resulta, mabilis na tataba.
Kape at tsaa para sa weight loss. Paghandaan ang araw-araw na physical activities sa pamamagitan ng pag-inom ng tsaa o kape mga 30 hanggang 45 minuto bago simulant ang ehersisyo o physical activity. Ito ay garantisadong nakatutulong para sa mabilis na pagsunog ng mga taba, sebo at dumi na naipon sa katawan. Dapat lang tandaan na makasaama naman ang pag-inom ng sobra ng kape. Ito ay makapagdudulot ng palpitation.
Kumain ng fiber-rich foods. Ito ay garantisadong makakatulong na bumilis ang pagpayat. Sa loob ng isang linggo, kung gagawin mo ito, siguradong sa loob ng pitong araw, mapapansin mo ang pagbabago sa iyong pangangatawan. Ilan sa mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa fiber ay oatmeal, pinya, guyabano at wheat bread.
Mag-exercise tuwing umaga. Gusto mo talagang malaman kung paano magpapayat nang mabilis? Mag-exercise ka araw-araw. Hindi kailangang mahirap na workout. Simpleng paggalaw gaya ng paglalakad, pagtakbo at pagsayaw-sayaw ay makapagsusunog na ng maraming calories agad-agad.

May natural bang paraan kung paano magpapayat?

Kung nais pumayat, huwag basta-basta iinom ng gampot na pampapayat. Hindi lahat ng ipino-promote ay apektibo. Maaaring mabilis silang makapagpapayat, ngunit maaari rin silang magkaroon ng side effect. Pinaka-safe pa ring paraan para ikaw ay pumayat ang natural remedy. Maraming kang matutunang tips para pumayat. At ang good news dito, marami ka ring mapagpipiliang mga natural na pamamaraan.
Bago sumubok ng mga dietary supplement, pagkain o inuming pampapayat, mas mainam na umpisahan muna ang disiplina sa sarili nang hindi kinakailangang bumili. Kung dati’t isa hanggang 1-1/2 tasa ang kanin mo kada kain, bawasan ito sa kalahating tasa na lamang. Malakas makapagpataba ang kanin. Dalasan at mas damihan pa ang pagkain ng gulay. Ito ay mabilis matunaw sa tiyan at mababa ang tsanasang maimbak o manatili sa katawan at maging taba.
Sabayan ng ehersisyo ang tamang pagkain. Ang pagwo-workout ng 30 hanggang 45 minuto araw-araw ay epektibong nakakabawas ng timbang. Magkaroon ka ng 10,000 steps a day na goal sa sarili. Tiyak na malaki ang mababawas sa bilbil pag nakaugalian ito.
Mga tips para pumayat
Hindi imposibleng pumayat. Gaano ka man kataba, hindi dapat mawalan ng pag-asa na ikaw ay papayat pa. Sa artikulong ito, nabasa mo na sa mga unang bahagi pa lamang, ang mga apektibong pamamaraan kung paano magpapayat. Hindi ba’t achievable at kayang-kayang gawin ang mga ito? Hindi rin mahirap hanapin ang mga rekomendadong pagkain at inumin, di ba?
Hindi nagtatapos doon ang aming tips. Narito ang ilan pa. Tandaan, hindi ka imposibleng pumayat. Maaaring nagkulang ka lang ng disiplina kaya kabumigat at lumaki, pero siguradong papayat ka pa.Puwera na lamang kung may karamdaman kang nagiging sanhi ng iyong pagtaba. Narito ang ilang pang tips:
  1. Simulan mo na ngayon. Wala nang iba pang best time para magsimula kundi ngayon. Ang pag-uumpisa ang pinakamahirap talagang gawin. Ngunit kapag naumpisahan na ang pagpapapayat, tiyak na mae-engganyo ka nang ipagpatuloy ito.
  2. Huwag mag-alangang magtimbang. Importanteng maitala mo ang sariling timbang bago, habang, at pagkataos ng weight loss program mo. Malalaman mo ang ang diperensya ng timban sa paglipas ng mga araw kung alam mo kung saan ka nagmula.
  3. Katulad ng nabanggit na, laging tatandaang pinakaepektibong paraan ng pagpapapayat ang kumbinasiyon ng diet and exercise.
  4. Umiwas sa mga pagkaing mayaman sa carbohydrates gaya ng pasta, kanin at tinapay. Ang mga ito ay sobrang bilis makapagpataba.
  5. Kung malakas ka sa softdrinks at juice, itigil na ang pag-inom ng mga ito. Maging ang mga matatamis ay dapat mo nang bawasan (kung hindi man maiwasan). Malaki ang ibabawas sa timbang mo sa paghinto sa pag-inom ng kahit anong colored drink.
  6. Siguraduhing may nakalaang oras sa araw-araw para sa ehersisyo. Kahit pa gaano k aka-busy, dapat mayroon kang kahit 30 minuto lang para magpapawis. Ang araw-araw na pag-eehersisyo ay makatutulong para pumayat.
  7. Kung hindi kaya ang monthly membership fee sa gym, huwag mag-alala. Maari ka namang mag-exercise sa bahay sa pamamagitan ng YouTube at exercise videos na mapi-play sa DVD. Marami ka pang pagpipilian gaya ng Taebo, Zumba, Body Combat at Walk the Mile. Ang kagandahan nito, ikaw ang magdedesisyon kung kalian at ano ang gusto mong gawin.
  8. Mamuhay ng healthy lifestyle. Palaging isaisip ang kapakanan ng sarili at ang kalusugan. Piliin ang paglalakad kaysa sa pagsakay kung malapit lang ang pupuntahan. Sa paraang ito, nakatipid ka na, nakapag-exercise ka pa!
  9. Higit sa lahat, ipagpatuloy lang ang healthy practice at manatiling disiplinado sa lahat ng bagay at oras.

Wednesday, 13 June 2018

Keto Diet Philippines: Bagong Trend ng Pagpapayat sa Pilipinas


Karamihan sa ating mga Pilipino ay nahihilig sa pagda-diyeta. Lahat ng nadidiskubre nating diet plans ay sinusubukan natin kung epektibo nga ba. Isa na sa mga pinaka-trending na diet program ay ang Keto Diet. Maging ang mga Pinoy celebrities ay sumubok na rin sa ganitong klase ng diyeta. Tunay nan gang sikat at tanggap ang Keto Diet Philippines. Ang ating bansa ay walang kakulangan pagdating sa mga pagkaing dapat kainin sa ilalim ng ketogenic diet sa Pilipinas. Hindi man maaaring kumain ng mga pagkaing may sangkap na asukal, ‘starchy’ o ma-gawgaw na pagkain, pasta, tinapay at kanin, napakarami namang pagkain ang maaari nating kainin na pinanggagalingan ng protein, fat, low-carb food, at ang mga tinatawag na non-starchy vegetables.
 Ano ang Keto Diet at Gaano ito ka-epektibo? 
Ayon sa mga pag-aaral, ang Keto Diet ay isang klase ng pagdidiyeta na kaunti lamang ang carbohydrates at marami ang fats. Ito ay kilala rin sa tawag na low-carb, high-fat diet. Naihahalintulad ito sa sumikat na diet plan nong 1863 na tinawag na Banting, at Atkins diet naman noong 1972. Ang pagkakaiba lamang ay, mas istrikto ang Ketogenic diet pagdating sa porsyento ng mga pagkain. Ito ay dapat na 75 perent fat, 20 percent protein, at five (5) percent carbohydrates na nanggagaling sa mga non-startchy vegetables. Dahil kaunti lamang ang carbohydrates na nilalaman ng pagkain at marami ang fat content, bababa ang glucose at insulin sa katawan at ito ay mapipilitang mag-shift sa paggagamit ng tabang naipon o body fats na itinuturing na fuel. Ito ang primary principle ng Ketogenic diet. Ang body fats sa kataway ay natutunaw bilang ketone body. Ang ketone body na ito ay tinatawag ding Acetoacetate. Ito ay natutunaw at nagiging Betayhydroxybutyrate (BHB) at Acetone. Samantala, ang Acetone ay napupunta naman sa ating bata at nailalabas sa bibig. Ayon sa mga eksperto at mga nakasubok nan g Keto Diet, ang acetone ay malalasahan sa oras na mangyari ang pagtunaw. Ang BHB naman ay siyang nagiging fuel n gating utak, puso at muscles na pumapalit sa glucose. Masasabing ang isang tao ay nasa ‘state of ketosis’ kung ang kaniyang ketone leels sa dugo ay nasa pagitan ng 0.5 millimolar at 5 millimolar. Ito ay tinatawag ding nutritional ketosis. Karagdagan pa rito, an gating katawan ay nasa ‘fat-burning’ mode hanggang napapanatili nito ang ‘state of ketosis.’
 Bakit marami ang gustong sumubok sa keto diet Philippines? 
Tanggap na tanggap na nga ng mga nakararaming Pinoy ang Keto Diet Philippines. Ito ay dahil sa napakaraming benepisyong makukuha mula rito. Ilan na sa mga ito ang mga sumusunod:

 Mabilisang pagpayat nang hindi naaapektuhan ang muscles – Isang magandang halimbawa nito ang sikat na basketbolistang si Lebron James. Siya ay nabawasan ng 25 pounds sa loob lamang ng 67 days nang dahil lamang sa Keto diet.

Pagtanggal ng mga taba o fats – Tinatanggal ng Keto Diet ang fats sa mga lugar ng tiyan lalo na ang napaka-delikadong taba, mukha, baba, at iba pang mga parte ng katawang may taba, maliban na lamang sa tabang matatagpuan sa ilalim ng balat.
Mas maraming energy at focused na pag-iisip
Tila mas nais ng muscles at utak ang BHB sahil mas nakaka-focus ang pag-iisip kapag sumailalim sa diyetang ito. Hindi rin madaling mapagod kapag ang fuel na gamit ay ketones.

Pagpapagaling o pagbawas sa sakit na Type 2 Diabetes – Isa ito sa dahilan kung bakit tanggap na tanggap ang Keto Diet Philippines sa Pilipinas. Maraming Pinoy sa kasalukuyan ang may ganitong karamdaman kaya sumubok sila sa ganitong diyeta.
  Nakakaiwas sa banta ng Cardiovascular
– Ayon sa mga pananaliksik, ang low-carb diets tulad ng Keto diet ay hindi lamang nakakapagpapayat. Ito ay nakakapagpa-improve din ng risk factor ng cardio vascular ng isang tao dahil sa pagbaba ng Triglycerides at pagtaas naman ng HDL o good cholesterol nito. Marami pang mga pag-aaral kaugnay nito ang nakapagpatunay sa ganitong benepisyo.
Hindi madalas na pagkagutom – Kapag ang isang tao ay nagke-Keto Diet, siya ay hindi makakaramdam ng madalas na pagkagutom.

Posibeng side effects ng keto diet

Bagama’t proven effective,
 ang Keto Diet ay posible ring magkaroon ng side effects. Kaya naman mas mainam na alam natin ang mga ito. Nang unang dalhin sa atin ang Keto Diet Philippines, napatunayan ang posibilidad ng side effect ngunit ito ay pansamantala lamang. Kinakailangan ding pagdaanan ang ang isang ‘adaption phase.’ Narito ang mga epektibong epekto at ang paraan kung paano maiiwasan ang mga ito:
Headache o sakit ng ulo – Ito ay sanhi ng pagkakaroon ng keto flu.
Keto Flu – Ito ang pinaka-ordinaryong side-effect ng pagke-keto diet sa kadahilanang hindi pa nakapag-a-adjust ang katawan ng isang tao para magamit ang fats na fuel. Para ito ay maiwasan kumain ng mga pagkaing nararapat lamang sa ganitong diyeta.
Panghihina – ito ay pansamantalang side effect lamang at lilipas din hanggang sa ikaw ay maging fat-adapted na. Fatigue – gaya ng panghihina, ito ay temporary side effect lamang at lilipas din hanggang sa masanay na.
Bago umpisahan ang Keto Diet
May mga pag-aara nang naglabasan tungkol sa mga preparasyon bago umpisahan ang Keto Diet Philippines. Dahil tayong mga Pinoy ay mahilig sa kanin at matatabang pagkain, mahalagang malaman kung paano ba nating magagawa ng tama at ligtas ang ganitong klaseng diyeta. Narito ang dalawang paghahandang dapat gawin:
 Huwag katakutan ang taba o fats – Karamihan sa ating mga Pinoy ang takot sa pagkain ng taba. Kaya nga natin naimbento ang salitang ‘putok batok’ sa tuwing makikita natin ang crispy pata, lechon, at chicharon. Pero, lingid sa kaalaman ng nakararami, mali pala ang ganitong paniniwala. Hindi man kapani-paniwala, pero, hindi ipinagbabawal ang mga ganitong pagkain sa ganitong diet.
Planuhing mabuti ang mga kakainin – Kung unang beses pa lamang susubok sa Keto Diet Philippines, tiyak na hindi ka pa pamilyar sa mga ‘keto foods’ na dapat mong kainin. Napakagandang idea kung magpaplano sa iyong mga kakainin. Halimbawa: Kung nais mong pumayat, kahit huwag nang sundin ang 75-percent fat ration ng kinakain. Kahit mga 30 percent lamang ng fat, ang ibang taba ay magmumula na sa sarili mong fat storage.